For more information / inquiries - email: communications@bpc.edu.ph | Registrar: tel: (044) 903-5634 - email: registrar@bpc.edu.ph

Hindi Palaruan ang Senado

Kahit siguro bata’y alam ito. Alam nila kung para saan ang ospital, paaralan, maging tahanan. Alam nilang may kaniya-kaniyang pananagutan ang doktor, guro, at alam nila kung gaano kahalaga ang pamilya. Alam na alam ng mga bata kung paano magpakaama at ina sa bahay-bahayan, magpakadoktor sa doktor-doktoran, at magpakaguro sa aral-aralan. Alam nila kung paano magpakatao sa larong pinili nila.

Samantala, may mga matatandang ginawang negosyo ang senado na lugar para sa mga manenerbisyo. Akala nila’y senado-senaduhan ang pagkakaupo nila sa pwesto. Daig pa sila ng kalaro natin noon na umuuwi na kapag gabi na kase anumang sandali ay susunduin na sila ng hanger.

Sila, nagpapakasampayan sa dami ng palamuti sa katawan habang wala nang kapitan ang mga nasa laylayan. Daig pa talaga sila ng mga kalaro natin na hindi papayag na may isang walang perang dahon kase hindi sila makabibili ng pangangailangan.

Sana magawa naman nilang lumabas ng senado para pakinggan tayo, para malaman nila ang kalagayan ng kanilang nasasakupan, at maintindihan nila ang ating pinanggagalingan.

Sana magawa naman nilang lumabas sa senado—na walang balikan.

✒️: John Emerson Larida 🖼️: John Daniel Sarmiento

bpc-logo
Bulacan Polytechnic College
Bulihan, City of Malolos, Bulacan, Philippines

📞 (044) 903-5634 | registrars@bpc.edu.ph
✉️ communications@bpc.edu.ph
© 2026 Bulacan Polytechnic College. All Rights Reserved.