
Matagumpay na naisakatuparan ang community clean-up at tree planting activity ng mga guro at kawani ng Bulacan Polytechnic, sa pangunguna ni G. Rommel Ompoc, Community Extension Officer. Lubos na nagpapahayag ng pasasalamat ang Bulacan Polytechnic College sa Pamahalaang Barangay ng Bulihan, Malolos, sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay, Hon. Luisito Zuñiga, para sa ipinagkaloob na suporta at pakikipagtulungan sa naturang gawain.