For more information / inquiries - email: communications@bpc.edu.ph | Registrar: tel: (044) 903-5634 - email: registrar@bpc.edu.ph

𝗧𝗮𝗼𝘀-𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝗽𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗟𝗶𝗰𝗲𝗻𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗘𝘅𝗮𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗣𝗿𝗼𝗳𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀 (𝗟𝗘𝗣𝗧).

Lubos na ikinararangal at ikinagagalak ng buong 𝗕𝗣𝗖 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 ang inyong natamong tagumpay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa inyong propesyon. Nawa’y magsilbi kayong huwaran at inspirasyon sa patuloy na pagsusulong ng dekalidad na edukasyon at makabuluhang paglilingkod sa bayan.

Kalakip din nito ang aming taos-pusong pasasalamat sa 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗰𝗮𝗻 sa patuloy nitong suporta at pagpapahalaga sa edukasyon at sa kapakanan ng mga mag-aaral. Gayundin, taus-pusong pasasalamat sa ating 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗥. 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗼 sa kanyang walang sawang pagsuporta sa mga kabataan Bulakenyo sa mga programang naglalayong mapaunlad ang kakayahan at kinabukasan ng mga Bulakenyong mag-aaral at propesyonal.

Muli, binabati namin ang lahat ng mga bagong Licensed Professional Teachers. Nawa’y maging matagumpay kayo sa inyong napiling bokasyon at patuloy na magsilbing ilaw at pag-asa ng sambayanan.

bpc-logo
Bulacan Polytechnic College
Bulihan, City of Malolos, Bulacan, Philippines

📞 (044) 903-5634 | registrars@bpc.edu.ph
✉️ communications@bpc.edu.ph
© 2026 Bulacan Polytechnic College. All Rights Reserved.