Bulihan, City of Malolos, Bulacan, Philippines 3000
communications@bpc.edu.ph
Open: Monday to Friday - 8am to 5pm
Bilugang Anino bilang ay bente quatro Na sinasagisag, bayang bumubuo rito Lalawigan Bulacan, hitik sa karangalan Tataglaying pangalan, nitong paaralan.
Bulacan Polytechnic College ngayo'y itatalaga Taong 1971 nang ito ay mag-umpisa Bulacan Public Community College, noo'y tawag at kinilala Ngayo'y babaguhin, sa lalong ikagaganda.
Simbulong Kawayan sagisag ng katatagan Hinutok ng panahong, tibay di mapapantayan Di basta-basta mawawasak, bagyo't ulan ma'y dumaan Yaon ang katulad, noon, ngayon, at bukas.
Aklat na Nakabukas sinagisag ay dunong Sa mga mag-aaral, matindi itong hamon Kaalamang makakamit, dito'y nagmumula yaon Sa tulong ng mga guro, tiyaga't sikap ay dapat layon.