BPC LOGO
Bilugang Anino bilang ay bente quatro
Na sinasagisag, bayang bumubuo rito
Lalawigan Bulacan, hitik sa karangalan
Tataglaying pangalan, nitong paaralan.
Bulacan Polytechnic College ngayo’y itatalaga
Taong 1971 nang ito ay mag-umpisa
Bulacan Public Community College, noo’y tawag at kinilala
Ngayo’y babaguhin, sa lalong ikagaganda.
Simbulong Kawayan sagisag ng katatagan
Hinutok ng panahong, tibay di mapapantayan
Di basta-basta mawawasak, bagyo’t ulan ma’y dumaan
Yaon ang katulad, noon, ngayon, at bukas.
Aklat na Nakabukas sinagisag ay dunong
Sa mga mag-aaral, matindi itong hamon
Kaalamang makakamit, dito’y nagmumula yaon
Sa tulong ng mga guro, tiyaga’t sikap ay dapat layon
Dahong Magkaugma kahuluga’y tagumpay
Tangkay nito’y hawakan, sama-samang iwagayway
Malagas man ito, ngunit may pakinabang
Kasama nitong lupang pataba ng halaman.
Computer ang ginagamit ng makabagong siyensiya
Sa paarala’y naragdag, bagong kurikula
Sa kabataa’y pakinabang, ito’y walang duda
Kasama ng pag-unlad ng lalawigan sinta.
Giya ng Sagisag kursong pangtekniko
Larawan ng isang bata ang nag-uusad dito
Patuloy ang pagsulong, ito ang simbolo
Patuloy na magniningas, karangalang matatamo.
Gusali ng Kapitolyo ay inyong mapapansin
Mula noon hanggang ngayon, suporta’y di magmamaliw
Umaapoy ang sagisag na sa karangalang kakamtin
Ang lahat ng natutunan, ay di lilimutin.