Himno ng BPC Titik Ni: Gng. Lourdes G. Hipolito Musika Ni: G. Marquez T. Cartel Halina't magkapit-bisig tungo sa tagumpay Puhuna'y tiyaga't kasanayan, awa ng Poo'y patnubay Sandigan ito ng buhay Bulacan Polytechnic College, may sariling pagkakakilanlan Una'y paglilingkod sa kapwa at sa bayan Natamong karangalan sa'yo iaalay Sa'yo iaalay. Papuri at paghanga'y taglay, sa matiyagang guro't magulang Kailan ma'y bukas ang isipan Sa paghubog ng ating mga murang kaisipan Bulacan Polytechnic College, may sariling pagkakakilanlan Una'y paglilingkod sa kapwa at sa bayan Natamong karangalan sa'yo iaalay Sa'yo iaalay Sa'yo iaalay...